Summary of Chapter 34 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata 34 ng Noli Me
Tangere
Ang Pananghalian
Ang Pananghalian
Sa isang malaking
hapag ay naiipon ang mga taong kilala at may sinasabi sa San Diego . Ang nakaupo sa magkabilang dulo ay
ang Alkalde at si Crisostomo
Ibarra.
Si Maria Clara naman ay nakaupo sa bandang kanan ni Ibarra. Ang
mga eskribano naman ay nasa bandang kaliwa.
Nandoon naman sa kabilang panig ng hapag si
Kapitan Tiyago, ang kapitan ng bayan, ang mga prayle at ang mga
kawani. Sa umpok na ito kasama ang kaibigan ni Maria.
Habang kumakain ay nakatanggap ng telegrama si Kapitan Tiyago na
darating ang Kapitan Heneral sa kaniyang bahay. Dali-dali siyang umalis para
paghandaan ang pagdating ng mataas na Opisyal.
Tahimik si Pari Salvi habang ang mga magbubukid naman ay
ganadong kumain ng hindi nakakubyertos. Hindi rin nila alam kung anong kurso
ang kukunin ng kanilang mga anak.
Dumating din si Pari Damaso pagkatapos ng tanghalian. Lahat ay
bumati pero hindi kasama si Ibarra. Nagsimulang magpasaring na naman si Pari
Damaso tungkol kay Ibarra. Nagpasensiya si Crisostomo Ibarra sa mga parunggit
ng pari subalit nang ang tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ama ang ungkatin,
nagsiklab ang binata at dinaluhong niya si Pari Damaso. Kung hindi napigilan ni
Maria, sana ay
nasaksak ni Ibarra ang matandang pari. Umalis siyang naguguluhan ang isip.
No comments:
Post a Comment