Thursday, July 31, 2008

MANUEL L. QUEZON-TALAMBUHAY

For the biography of MANUEL QUEZON in English, please go to this page.

manuel_ quezon
MANUEL L. QUEZON-TALAMBUHAY

Si MANUEL L. QUEZON y MOLINA ay ang unang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas. Siya ay maituturing na ikalawang pangulo ng bansa pagkatapos ni Emilio Aguinaldo na ang pamamahal bilang pangulo ay hindi kinilala ng Estados Unidos at ng ibang bansa.

Si MANUEL LUIS QUEZON ay ipinanganak noong Agosto 19, 1878 sa Baler, Tayabas (Quezon). Ang kanyang ama ay si Lucio Quezon na taga Paco, Manila at si Maria Dolores Molina. Nag-aral siya ng pagpapadalubhasa sa Batas sa Pamantasan ng Sto. Tomas. Siya ay nakapasa bilang abugado noong 1903. Siya ay naging piskal sa kaniyang lalawigan at di lumaon siya ay nahalal bilang gobernador.

Noong 1907, siya ay tumakbo sa bandila ng Partido ng Nacionalista bilang kinatawan sa Asembliya mg Pilipinas . Siya ang naging lider ng mayorya (majority floor )leader dahil sa inani niyang malaking boto.

Pinangunahan niya ang unang delegasyon na nakapag-uwi ng TYDINGS-MCDUFFIE INDEPENDENCE LAW noong 1934.


Siya ay nahalal na Unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas . Ang kaniyang pagsisikap na makuha ang kalayaan ay nag resulta sa pagsulat ng Konstitusyon noong 1935.

Siya ay kasal kay Aurora Aragon at mayroon silang naging apat na anak. Sila ay sina María Aurora "Baby" Quezon (1919-1949), María Zeneida "Nini" Quezon-Avancena (1921-), Luisa Corazón Paz "Nenita" Quezon (1923-1923) and Manuel L. "Nonong" Quezon, Jr. (1926-1998). Ang kaniyang apo na si Manuel (Manolo) Quezon III ay isang magaling na manunulat.

Namatay si Manuel l. Quezon noong Agosto 1, 1944 sa Saranac Lake.

, ,,,,,,

No comments: