Thursday, July 30, 2009

Summary of Noli Me Tangere- Kabanata 11 Ang mga Makapangyarihan

This is the TAGALOG SUMMARY OF Chapter 11 of NOLI ME TANGERE, THE NOVEL OF JOSE RIZAL

Kabanata 11
Ang mga Makapangyarihan
Buod

Pinakamayaman si Don Rafael sa kanilang bayan pero siya ay mabait at iginagalang. Lahat halos ng mga tao doon ay may utang sa kaniya

Si Kaptan Tiyago ay mayaman din pero ang pakikisama sa kaniya ng mga tao ay paimbabaw lang. Totoong ipinaghahanda siya ng maraming pagkain at tinatawag siyang kapita pero pagtalikod niya ay kinukutya siya at ang tawag sa kaniya ay Sakristan lamang.

Ang puwesto ng Kapitan ay hindi masasabing makapangyarihan, dahil ito ay nabibili lamang sa halagang limang libo. Siya pa ay nasa awa ng alkalde na puwede siyang sabunin at sisihin sa mga bagay-bagay.

Ang kapangyarihan ay pinag-aagawan upang mapamunuan ang San Diego.
Nandiyan si Pari Bernardo Salvi na isang paring Fransiscano na pumalit kay Pari Damaso. Isa siyang mabait na payat na pari at mahilig mag-ayuno.

Nandiyan din ang Alperes at ang kaniyang asawang si Donya Consolacion.
Ang alperes ang pinuno ng guwardiya sibil. Siya ay marunong magpakitang tao. Kahit hindi sila magkasundo ni Pari Salvi, siya ay nagpapakitang galang sa pari sa harapan ng maraming tao. Ganoon din si Pari Salvi. Pag talikod ng bawa’t isa ay kaniya-kaniya silang balak kung oaano sila maggantihan.

Hindi siya masaya sa pagkakapangasawa niya, kaya siya naglalasing, nambubugbog at nagpapahirap ng mga sariling sundalo.

Si Pari Salvi at ang alperes ang tunay na makapagyarihan sa San Diego.

No comments: