Wednesday, July 29, 2009

Buod ng NOLI ME TANGERE Kabanata 10 Ang San Diego

This is the Tagalog summary of Chapter 10 of NOLI ME TANGERE of Jose Rizal

Kabanata X
Ang San Diego
Buod

Kabanata 10 ng NOLI ME TANGERE
Ang San Diego
Buod

Ang bayan ng San Diego ay may malawak na bukirin at palayan. Kaya ang mga nakatira dito ay karamihang magsasaka. Wala silang pinag-aralan at ang kamngmangang ito ang nagiging dahilan ng pagsasamantal ng mga Tsinong bumibili ng kanilang produkto sa murang halaga.

Ang bayan ay may lawa at sa simboryo ng simbahan, makikita ang kabuuan ng bayan.

Lahat halos ng ng bayan ay may alamat at isa na roon ang San Diego. Ang alamat ay tungkol sa pulong gubat na nasa gitna ng kabukiran.

Ayon sa alamat, may isang matandang Kastila na magaling magsalita ng Tagalog ang dumating sa bayan at binili ang buong gubat. Nagbayad ito ng damit, alahas at pera. Tapos ang matanda ay biglang nawala.

Ang mga nagpapastol ng kalabaw ang nakakuha ng bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno.

Lalong natakot ang mga tao sa namatay dahil sa ang mata nito ay malalim at ang boses nito ay bahaw.

Lahat ng nanggaling sa matanda ay kanilang itinapon sa ilog.


May isang mistisong Kastila na ang ngalan ay Saturnino ang dumating sa bayan. Siya raw ang anak ng matanda. Hindi nagtaga; siya ay nakapag-asawa ng isang taga Maynila at nagkaraan ng anak na pinangalanan nilang Rafael. Si Rafael ay nagkaanak na pinangalanan niyangh Crisostomo.

Si Don Rafael ay mabait at nagustuhan ng mga magsasaka.
Pinaunlad niya ang dating nayon na nagging bayan.

Dumating si Pari Damaso para maging kura paroko nang mamatay ang isang dating pari na Indiyo.

No comments: