Chapter
62- Summary of Chapter 62 of NOLI ME
TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod
ng Kabanata 62
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Hindi man lang sinulyapan ni Maria Clara ang mga regalong
nakatambak sa lamesa para sa kasal niya. Nabasa niya ang nangyaring barilan sa
lawa kung saan ibinalita na napatay si Ibarra.
Dumating si Pari Damaso. Hiniling ni Maria Clara na huwag ng
ituloy ang kasal dahil ngayong patay na si Ibarra, dalawa lamang ang
pinagpipilian niya, ang kamatayan o ang pagpasok sa kumbento,
Nag-isip si Pari Damaso sa sinabi ni Maria Clara. Napaiyak
siya habang sinasabi niya kung gaano niya kamahal si Maria Clara. Humingi siya
ng tawad sa dalaga. Pinahintulutan niyang pumasok si Maria Clara sa kumbento
kaysa piliin nitong mamatay.
Umalis siyang malungkot at pabulong niyang sinabing may
Diyos nga na nagpaparusa.
Ipinagdasal niya na siya na lang ang parusahan at huwag ang
kaniyang anak, Nararamdaman niya ang sakit na nadarama ni Maria Clara.
No comments:
Post a Comment