Chapter
59- Summary of Chapter 59 of NOLI ME
TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod
ng Kabanata 59
Pag-ibig sa Bayan
Nalathala sa diyaryo ang naganap na kaguluhan sa San Diego . Ang balitang
nalathala ay kakaiba naman sa kuwntong nanggaling sa kumbento.
Pati mga kuro-kuro ay naiiba depende sa isip, damdamin at
paniniwala ng mga tao.
May mga sinugo sa kumbento para mag-imbestiga nang tunay na
nangyari. May mga tao namang pumunta sa palasyo at naghandog ng tulong laban sa
mga naghihimagsik.
Karamihan ay pinuri si Pari Salvi sa naganap sa kaniyang
nasasakupan.
Ang mga nag-aaral sa Heswita ay may mga opinion na halos ay
pilibustero na.
Si Kaptan Tinong ay galit na galit kay Ibarra dahil sa
kagandahang loob na ipinakita nito. Ang asawa nito ay nagsabing binabalak
niyang ihandog ang kaniyang paglilingkod laban sa mga manghihimagsik sakali man
siya ay naging lalaki.
.Naiinis si Kapitan Tinong sa asawa. Dumating si Don Primitivo na kanilang pinsan at mahilg
mag Latin.
Hiningan siya ng payo ni Tinchang dahil inaakala nilang
matalino ito.
Payo ni Don Primitivo na iwasan si Ibarra dahil maraming
napaparusahan dahil lamang sa kasalanan ng kasama.
Suhestiyon ni Don Primitivo na magregalo sina Kapitan Tinong
ng alahas sa heneral at sunugin ang
anumang kasulatan na nauugnay kay Ibarra,
Sa pagtitipon sa Intramuros, napag-usapan na nagalit daw ang
Kapitan Heneral kay Ibarra dahil sa maganda ang pinakita nito sa binata. Isang
babae naman ang nagsabi na ang layunin ni Ibarra sa paaralan ay gamitin ito sa
kaniyang paghihimagsik laban sa gobyerno.
Isa si Kapitan Tinong sa naimbita sa Fuerza de Santiago na
matulog kasama ang ilang mayayaman at tanyag na tao.
No comments:
Post a Comment