Monday, August 31, 2009

Summary of Chapter 39 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 39- Summary of Chapter 39 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata 39
Si Donya Consolacion

Nakasara ang bahay ni Donya Consolacion nang dumaan ang prusisyon. Hindi rin siya nagsimba nang umagang yaon dahil pinagbawalan siya ng alperes. Kinahihiya siya ng asawa sa kaniyang pananamit at pabango.
Pakiramdam niya mas maganda pa siya kay Maria Clara.
Pero sobra kung dustain at murahin siya ng alperes. Ito ang kinasusuklaman niya at balak niyang makaganti,
Yon ang imiisip niya nang marinig niya si Sisang kumakanta mula sa kuwartel kung saan siya nakukulong ng ilang araw na.
Inutusan niya ang guwardiya para paakyatin si Sisa. Pinakakanta niya si Sisa pero dahil sa isa na itong baliw, hindi niya maunawaan ang Donya. Isa pa Kastila ang salita sa kaniya.
Kahit nilatigo niya ang baliw ay hindi rin ito kumanta kaya tinawag ni Donya Consolacion ang guwardiya at sinabing utusan si Sisang kumanta.
Nang kumanta ng Tagalog si Sisa, nalungkot ang Donya at nakapagsalita siya ng Tagalog. Nabisto tuloy siya ng guwardiya na siya niyang ikinagalit.
Pinaalis niya ang guwardiya at pinagbalingan si Sisa. Inutusan niya itong sumayaw sa pamamagitan ng
pagpalo sa mga binti at paa nito.
Habang nasusugatan si Sisa ay lalong nasisiyahan si Donya Consolacion dahil dito niya ibinubuhos ang galit niya.
Hindi niya napansin ang pagdating ng alperes.
Galit ang alperes na hindi pinansin ni Donya Consolacion. Pinapalitan ng alperes ang napunit na damit ni Sisa at pinagamot ang mga sugat. Si Sisa ay dadalhin sa bahay ni Ibarra kinabukasan.
Ang masamang ugali ni Donya Consolacion ay dahil sa nais niyang mapagtakpan ang wala niyang edukasyon. Isa lamang siyang labandera na napangasawa ang alperes ng ito ay kabo pa lang. Nagkukunwari siyang marunong magKastila at umarte na parang ugaling taga Europa.

Sunday, August 30, 2009

Summary of Chapter 38 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 38- Summary of Chapter 38 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata 38
Ang Prusisyon

Ang hudyat na lumabas na ang prusisyon ay ang walang hintong pagtunog ng kampana. Ang nagsilbing ilaw ay ang mga parol na bitbit ng mga binata. Ang Kapitan Heneral, mga kagawad ni Kapitan Tiyago, alperes at si Ibarra ay magkakasamang naglalakad. Isang kubol ang pinatayo ni Kapitan Tiyago. Doon idaraos ang tulang papuri sa Patron ng bayan.
Ayaw ni Ibarrang pumunta pero inimbita siya ng Kapitan Heneral.
Ang prusisyon ay pinangungunahan ng mga sakristan at sinusundan ng mga guro at mag-aaral na may dala ring parol. Mayroon ding tagabigay ng libreng kandila at taga disiplina sa mga nahihiwalay o naniniksik sa prusisyon.
Ang mga santo rin ay nakahanay kung saan pinkahuli ang karo ng Mahal na Birhen.
Sa tapat ng kubol ay huminto ang prusisyon at isang bata ang bumigkas ng papuri sa ikang Latin, Kastila at Tagalog.
Nagpatuloy ang prusisyon at sa harap ng bahay ni Kapitan
Tiyago ay narinig ang pag-awit ni Maria Clara ng Ave Maria.
Humanga sa boses ni Maria Clara si Pari Salvi samantalng si Ibarra naman ay malungkot. Nararamdaman niya ang lungkot sa tinig ng kasintahan,
Pinaalalahanan si Ibarra ng imbitasyon ng Kapitan Heneral sa pagkain para mapag-usapan ang pagkawala ni Basilio at
Crispin.

Friday, August 28, 2009

Summary of Chapter 37 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 37- Summary of Chapter 37 of  NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Kabanata 37
Ang Kapitan-Heneral
Agad pinahanap ng Kapitan Heneral si Ibarra nang dumating na siya sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Habang naghihintay, ang Kapitan Heneral ay kinausap ang isang binatang lumabas habang nagsesermon si Pari Damaso. Taga Maynila ang lalaki at takot na takot siya sa galit na prayle.
Nang matapos siyang kausapin ng Kapitan Heneral, nawala ang kaniyang panginginig at nakangiti na siya nang lumabas. Marahil ay binigyan siya ng pag-asa ng Opisyal.
Sumunod na nagbigay pugay sa Kapitan Heneral ay ang mga paring sina Pari Sybila, Pari Martin at Pari Salvi. Hinanap ng Kapitan Heneral si Pari Damaso pero sinabi ng tatlong pari na maysakit ito at hindi makakarating.
Nagbigay din ng galang sina Kapitan Tiyago at Maria.
Binigyan niya ng papuri si Maria dahil sa maagap nitong paghadlang sa tangkang pagpatay ng kaniyang kasintahan kay Pari Damaso.
Nang dumating si Ibarra, hindi muna ito hinarap ng Kapitan Heneral dahil sa namalas niyang pagkabalisa ni Maria.
Sinabihan na lang maghintay at kakausapin niya bago siya umalis. Pinaalalahanan ni Pari Salvi na ekskomunikado si Ibarra dahil sa ginawa nito. Hindi siya pinansin ng Kapitan Heneral sa halip ay pinaabot niya ang pangungumusta at paghiling na gumaling agad si Pari Damaso.
Nainis ang mga prayle at mabilis silang lumisan. Nakasalubong nila si Ibarra ngunit hindi sila nagbatian.
Nang makita ng Kapitan Heneral si Ibarra ay masaya nitong kinamayan ang binata. Pinuri niya ito sa pagtatanggol sa alaala ng yumaong ama. Pinangako niya kakausapin niya ang Arsobispo tungkol sa kaniyang ekskumunikasyon.
Nagtagpo na pala ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Madrid at si Ibarra. Sa kanilang pag-uusap, naisip ng Kapitan Heneral na matalino ang binata. Iminungkahi niya na ipagbili nito ang mga ari-arian sa Pilpipinas at sa Espanya na lang tumira.
Tumanggi si Ibarra.
Naunawaan ng Kapitan Heneral ang binata dahil mas alam nito ang sarili niyang bayan. Pinapuntahan na ng Kapitan Heneral kay Ibarra si Maria. Tinagubulinan din niya na makipagkita sa kaniya si Kapitan Tiyago.
Kinausap ng Kapitan Heneral ang alkalde na ibigay lahat ang suporta kay Ibarra. Pangalagaan din ang kaniyang kaligtasan at ayaw niyang maulit ang nangyari sa tanghalian.
Nang dumating si Kapitan Tiyago ay binati niya ito ng pagkakaroon ng matalinong mamanugangin at inalok ang sariling maging ninong sa kasal.
Hindi hinarap ni Maria si Ibarra. Sa halip ang kaibigan nitong si Sinang ang nagmungkahi na isulat sa papel ang kaniang mensahe. Nagtaka si Ibarra.
Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumilip. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan. Nagtaka si Ibarra.

Thursday, August 27, 2009

Summary ng Chapter 36 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Chapter 36 NOLI Summary ng Chapter 36 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)

Buod ng Chapter 36 ng NOLI ME TANGERE


Ang Unang Suliranin

Suliranin na ang walang kaabog-abog na pagdating ng Kapitan-Heneral sa bahay ni Kapitan Tiyago, nadagdagan pa ng gulong nangyari kay Pari Damaso at Crisostomo Ibarra. Hindi mapuknat ang pag-iyak ni Maria Clara kahit na ano pang pag-alo ng kaibigan niyang si Andeng at ng kaniyang tiyahin.
Pinagbawalan siyang makipag-usap kay Ibarra dahil sa ekskumonikasyon (excommunication) na ipinarusa ng prayle sa pagtangka niya sa buhay ni Pari Damaso.
Pinatawag sa kumbento si Kapitan Tiyago habang pinapayuhan ni Tiya Isabel si Maria na susulat sila sa Papa at magbibigay ng donasyon. Si Andeng naman ay nangakong gagawa ng paraan para magkita si Ibarra at si Maria nang palihim.
Pagbalik ni Kapitan Tiyago, ibinalita niya na pinasisira ng mga pari ang kanilang kasunduan sa pag-papakasal ni Ibarra at ni Maria. Si Pari Sybila naman ang nag-utos na huwag patutuluyinn sa tahanan ni Kapitan Tiyago ang binata at huwag ding bayaran ang utang nitong limampung libong piso.
Pinahinto ni Kapitan Tiyago sa pag-iyak si Maria dahil may katipan daw na ibibigay si Pari Damaso na kaniyang kamag-anak at galing sa Europa. Binanggit pa niya na ang namatay nitong ina ay umiyak lamang noong ipinaglilihi siya.
Lalong umiyak si Maria na siyang kinagalit ni Tiya Isabel kay Kapitan Tiyago.
Hindi sang-ayon sa pagpalit ng kasintahan ang kaniyang pamangkin kaya pinagsabihan niya si Kapitan Tiyago na sulatan ang kaibigan niyang Arsobispo. Hindi nakinig si Kapitan Tiyago kay Tiya Isabel dahil naniniwala siyang kakampi rin ito sa kaniyang kapwa prayle.
Pagkatapos na pahintuin sa pag-iyak ang anak, hinarap naman ng Kapitan ang pag-asikaso sa baha para sa darating na Kapitan-Heneral.
Nang dumating ang Kapitan Heneral, ipinatawag si Maria na kasalukuyang nagdadasal sa kaniyang kuwarto. Napilitan ang dalaga na tumalima sa hiling ng Kapitan Heneral.

Tuesday, August 25, 2009


Summary of Chapter 35 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)
Buod ng Chapter 35 ng NOLI ME TANGERE

Mga Usap-usapan
Mabilis na kumalat sa bayan ng San Diego ang muntik nang pagkapatay ni Crisostomo Ibarra kay Pari Damaso.

Iba’t ibang haka-haka ang sinabi ng mga nakarinig ng balita at hindi nila malaman kung sino ang masasabing may pagkakamali. Karamihan sa mga tao ay nagsabi na dapat ay naging mahinahon pa si Ibarra. Si Kapitan Martin naman ay ipinagtanggol ang binata na handa itong sumalunga sa awtoridad pag ang kaniyang ama
ang nilalapastangan.
Si Don Filipo naman ang nagsabi na maaring inaasahan ni Ibarra na tulungan siya ng mga taumbayan dahil sa pagtanaw ng utang na loob sa kaniyang mga ginawa. Ang kapitan ng bayan ay naniniwalang walang laban ang mga tao sa prayle dahil palagi silang tinuturing na may katuwiran.
Sinisi ni Don Filipo ang walang pagkakaisa ng mga taumbayan kaya hindi sila makalaban sa mga mayayaman at mga pari.
Ang mga babae ay takot na parusahan ng simbahan. Si Kapitana Maria lamang ang nagkalakas-loob na ipagtanggol si Ibarra bilang isang anak na pinahahalagahan ang alaala ng yumaong ama.
Nangangamba naman ang mga magsasaka na hindi na matuloy ang paaralang ipinatatayo. Ibig pa naman nilang makatapos ang kanilang mga anak. Ang simbahan daw ay hindi kasi matutuloy ang pagpapatayo dahil tinawag ng prayle si Crisostomo Ibarra ng pilibustero kahit hindi nila alam ang ibig sabihin ng salitang yaon.

Monday, August 24, 2009

Summary of Chapter 34 NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)


Summary of Chapter 34 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL (Tagalog)

Buod ng Kabanata 34 ng Noli Me Tangere 
Ang Pananghalian
Sa isang malaking hapag ay naiipon ang mga taong kilala at may sinasabi sa San Diego. Ang nakaupo sa magkabilang dulo ay ang Alkalde at si Crisostomo Ibarra.
Si Maria Clara naman ay nakaupo sa bandang kanan ni Ibarra. Ang mga eskribano naman ay nasa bandang kaliwa.
Nandoon naman sa kabilang panig ng hapag si Kapitan Tiyago, ang kapitan ng bayan, ang mga prayle at ang mga kawani. Sa umpok na ito kasama ang kaibigan ni Maria.
Habang kumakain ay nakatanggap ng telegrama si Kapitan Tiyago na darating ang Kapitan Heneral sa kaniyang bahay. Dali-dali siyang umalis para paghandaan ang pagdating ng mataas na Opisyal.
Tahimik si Pari Salvi habang ang mga magbubukid naman ay ganadong kumain ng hindi nakakubyertos. Hindi rin nila alam kung anong kurso ang kukunin ng kanilang mga anak.
Dumating din si Pari Damaso pagkatapos ng tanghalian. Lahat ay bumati pero hindi kasama si Ibarra. Nagsimulang magpasaring na naman si Pari Damaso tungkol kay Ibarra. Nagpasensiya si Crisostomo Ibarra sa mga parunggit ng pari subalit nang ang tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ama ang ungkatin, nagsiklab ang binata at dinaluhong niya si Pari Damaso. Kung hindi napigilan ni Maria, sana ay nasaksak ni Ibarra ang matandang pari. Umalis siyang naguguluhan ang isip.

Sunday, August 23, 2009

Summary of Chapter 33 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog summary of Chapter 33 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL

Kabanata 33
Malayang Kaisipan
Buod

Dinalaw ni Elias si Ibarra. Pinakiusapan niya ito na huwag babanggitin kahit kanino ang ginawa niyang pagbababala tungkol sa panganib sa kaniyang buhay. Isa raw pagtanaw ng utang na loob sa binata ang ginawa niya. Binalaan pa rin niya si Crisostomo Ibarra para mag-ingat palagi dahil marami itong kaaway.

Sinabi niya na lahat ay may kaaway, mag hayup o mag tao; magmayaman, magdukha at lalo na ang mga maykapangyarihan.

Nagkalat ang mga kaaway ni Ibarra na nagsimula pa sa kaniyang mga ninuno, ama at ngayon na balak niyang magpatayo ng paaralan.

Isa sa tinuran niyang kaaway ay ang namatay na taong madilaw na siyang kinaringgan ni Elias na nagbabantang may mangyayari kay Ibarra. Ang pinagtakahan nila ay hindi ito humingi ng mataas na sahod sa pagprisinta kay Nor Juan.

Saturday, August 22, 2009

Summary of chapter 32 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog summary of chapter 32 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL


Kabanata 32
Ang Panghugos
Buod


Sa lugar kung saan gaganapin ang paglagay ng panulukang bato ng paaralan, si Nor Juan ang magpapagalaw ng kalong itinayo ng lalaking madilaw. Itinuro ng huli kung paano ito pagagalawin.

Ang sukat nito ay walong metro ang taas. Nakabaon sa lupa ang apat na haligi kung saan may nakasabit na lubid bawa’t haligi. Sa tingin ay napakatibay nito.


May mga iba’t ibang kulay na banderitas na nagwagayway sa itaas nito. lupa ang apat na haligi

Isang tao lamang ang kailangan para itaas at ibaba ang malaking baton na siyang magsisilbing panulukang bato ng paaralan. Humanga si Nor Juan sa madilaw na tao habang ang mga nakakararami naman ay nagbulungan sa pagpuri.


Ipinagtapat ng madilaw na tao na natututnan niya ang paggawa ng
makinaryang yaon kay Don Saturnino na nuno ni Crisostomo Ibarra.


Pinuri ng taong madilaw si Don Saturnino. Ito raw at marunong magparusa sa kaniyang mga tauhan.

Malaki ang handa ni Crisostomo Ibarra para sa pagdiriwang ng pagbaon ng panulukang baton g paaralan.

Maraming inumin at pagkain na inihanda ng mga guro at mag-aaral. Ang mga panauhin ay sinundo pa ng banda at doon na nag-almusal.


Ang magbabasbas ay si Pari Salvi . Ang mga mahahahalagang kasulatan, mga medalya. Salaping pilak at relikya ay inilagay sa isang kahong bakal na ipinasok naman sa isang bumbong yari sa tingga.

Friday, August 21, 2009

Summary of Chapter 31 of NOLI ME TANGERE OF JOSE RIZAL.

This is the Tagalog summary of Chapter 31 of  NOLI ME TANGERE OF JOSE RIZAL.

Kabanata 31
Ang Sermon
Buod

Nagsermon si Pari Damaso sa wikang Kastila at Tagalog. Hinango niya ang sermon niya sa Aklat II, Kabanata IX, Salaysay 20 .

Hinangaan ni Pari Sybila sa pagsalita ni Pari Damaso samantalang si Pari Martin naman ay napapahiya dahil sa pambungad pa lang ay wala na siyang panalo.  Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na maagaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon.

Binati ni Pari Damaso ang mga tao. Paglingon niya ay itinuro niya ang malaking pinto. Inakala ng sacristan ay pinasasara ng pari ang lahat ng pintuan. Gusto nang tumayo ng alperez pero hindi niya nagawa dahil nagsimula na ang sermon.

Isinahalintulad niya ang pananalita ng Diyos sa binhing lmalaki sa lupain ni San Francisco. Sinabihan niya ang mga tao na gayahin si Gideon, si David at si Roldan na siyang guwardiya sibil ng langit.

Dahil sa pagkunot ng noon ng alperez, ang sermon ay pinatungkol sa kaniya ni Pari Damaso. Sa wikang Kastil, sinbi niya na mas makapangyarihan ang Simbahan dahil krus na kahoy lamang ang kanilang ginagamit sa pagsugpo ng kampon ng dimonyo. Ito ay himala, aniya tulad ng paglikha kay San Diego de Alcala.

Walang naunawaan ang mga Indiyo sa sinabi ni Pari Damaso patungkol sa alperez kung hindi ang tulisan, San Diego, San Francisco at guwardiya sibil kaya inakala nilang pinagagalitan ni PAri Damaso ang alperez na kumunot naman ang noo.


Tuloy-tuloy ang sermon ng pari na maraming patama sa mga nskikinig ng misa.

Marami ang inaantok sa haba. Si Kapitan Tiyago ay humihikab habang si Maria Clara ay panay ang sulyap banda sa inuupuan ni Crisostomo Ibarra.

Humaba ng humaba ang sermon ni Pari Damaso lalo na nang ang ginamit niya ay wikang Tagalog. Ang kaniyang sermon naman ay panay lang sumpa, pang sisisi, galit na isinambulat niya sa sermon. Wala na siya sa dapat niyang talakayin. Sa pagbanggit niya sa isang makasalanan na namatay sa bilangguan, naisip ni Ibarra kung sino ang pinatatamaan nito. Pinaringgan din siya nito sa pagbanggit ng isang mayabang na mistisong salbahr at pilosopo. Alam niya Ibarra, siya ang tinutukoy noon.

Thursday, August 20, 2009

Summary of Chapter 30 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog Summary of Chapter 30 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL

Kabanata 30
Sa Simbahan
Buod

Siksikan ang mga taong nagsimba sa oras na yaon. Lahat ay nagsasawsaw sa agua bendita. Ang bayad sa sermon ay P 250. Ito ay katumbas ng tatlong bahaging ibinayad sa komedya na magtatanghal ng tatlong gabi. Ang mga tao ay naniniwala na pag sila nakinig sa sermon ay pupunta sila sa langit. Habang pag sila ay nanood ng komedya, ang kaluluwa nila ay mapupunta sa impyerno.

Hindi pa makapagsimula ang misa dahil hinihintay ang alkalde. Dahil sa dami ng tao, masyadong mainit sa loob ng simbahan. Ang mga babae ay walang humpay na nagpapaypay ng abaniko, ang mga lalaki naman ay ginamit ang kanilang mga sombrero at panyo.

Ang mga bata ay nagsisigawan at nag-iiyakan habang ang iba ay inaantok.
Dumating ang alkalde. Ang suot niya ay may limang medalya at banda ng haring Carlos.
Ang tingin sa kaniya ng mga tao ay isang guardiya sibil.

Nagsimula nang pagmimisa ni Pari Damaso. Dalawang sakristan ang nangunguna sa kaniya a
isang prayleng may hawak na kuwaderno

Kasama niya si Pari Sybila na umakyat sa pulpito. Sinulyapan niya nang may palibak ang nagsemong nauna na si Pari Marti na parang sinasabing mas magaling siya rito.
Pinabuksan niya sa kasamang prayle ang kuwadernong naglalaman ng kaniyang isesermon.

Wednesday, August 19, 2009

Summary of Chapter 29 of NOLI TANGERE

This is the Tagalog  summary of chapter 29 of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL.
Kabanata 29
Ang Umaga
Buod


Nagising ang mga tao dahil maagang naglibot ang mga banda ng musiko. Pati na ang kamapana ay rumerepeke kasabay nang pagputok ng kwitis.

Sila ay nagsipag bihis sa magagarang damit at alahas na inilalabas lang nila pag may okasyon. Si Pilosopo Tasyo ay hindi nagbihis. Nang binati siya ng tinyente mayor, sinagot siya na ang pagsasaya ay di nangangahulugan ng paggawa ng kabaliwan. Pero ito ay pagtatapon ng pera at pagtakip sa mga karaingan ng nakararami. Sumasang-ayon si Don Felipo sa pananaw na ito ng matansa pero wala siyang magawa sa gusto ng kapitan at ng kura paroko.

Tuesday, August 18, 2009

Summary of Chapter 28 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog summary of NOLI ME TANGERE of JOSE RIZAL.

Kabanata 28
Sulatan
Buod


Nakalathala sa diyaryo sa Maynila ang pagdiriwang ng pista sa San Diego. Ibig nang mga pamunuan ng bayan na malaman ng mga banyaga kung paano magdaos ng pista ang mga Pilipino. Nakasulat sa pahayagan na ang mga paring Franciscano ang namamahala sa marangyang pagdiriwang na dadaluhan ni Pari Hernando Sybila, mga kilalang mamamayang Kastila at mga gabinete ng Cavite, Batangas at Maynila.

Nasasaad din sa balita ang dalawang banda ng musiko sa bisperas ng pista at ang pagsundo ng maraming tao at makapangyarihan sa kura sa kumbento, ang hapunang ihahanda ng Hermana Mayor at ang pagtungo sa bahay ni Don Santiago delos Santos upang sunduin si Pari Bernardo Salvi at at Pari Damaso Verdolagas.

Monday, August 17, 2009

Summary of Chapter 27 of NOLI ME TANGERE

This is the Tagalog summary of NOLI ME TANGERE, a novel of JOSE RIZAL.

Kabanata 27
Sa Pagtakipsilim
Buod


Pinakamalaki ang handa ni Kapitan Tiyago sa pistang yaon sa San Diego. Ito ay parang pagbibigay karangalan niya sa kaniyang anak at si Ibarra na kaniyang mamanugangin. Hindi lang sa bayan popular si Ibarra. Kahit sa Maynila ay pinupuri siya ng diyaryo bilang magaling na negosyante.

Umangkat siya ng mga sari-saring inumin at pagkaing galing sa Europa. Binigyan pa niya ng pasalubong ang anak pagdating niya ng bisperas ng Pista.

Maganda ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. Ang mga kaibigang dalaga naman ni Maria ay nagkumbidang mamasyal si Ibarra kasama si Maria Clara na humingi ng pahuntulot sa ama.
Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago na kailangang umuwi ng maaga ang dalaga dahil darating si Pari Damaso. Inanyayahan niya rin si Ibarra na maghapunan sa kaniyang bahay.
Tumanggi si Ibarra dahil may darating daw siyang bisita.

Sunday, August 16, 2009

Summary of Chapter 26 of NOLI ME TANGERE

 This is the Tagalog summary of Chapter 26 of NOLI ME TANGERE, the novel of JOSE RIZAL.


Kabanata 26
Ang Bisperas ng Pista
Buod

Bisperas na ng piyesta sa San Diego. Pumatak ito ng ikasampu ng Nobyembre. Abala ang mga tao. Ang mga bahay ay may sari-saring dekorasyon. Mayroon nang nagpapaputok ng kwitis habang ang mba banda ng musiko ay nagpapaligsahan sa pagtugtog.

Ang mga mayayaman naman ay maraming handa. May mga bungang kahot, mga mamahaling alak na binili pa sa Maynila
o kaya ay inimporta sa Europa. Meron ding, hamon, relyenong pabo at serbesa. Lahat ay inaanyayahan para sa salu-salo, mahirap man o mayaman, kaibigan man o kaaway.

Sa bahay-bahay, inilabas ang mga gamit na minana pa sa mga ninuno katulad ng ilaw, mga panyong binurdahan ng mga kadalagahan, mga belong ginantsilyo, alpombra, mga artipisyal na bulaklak, mga bandehang pilak at mga lalagyan ng tabako, sigarilyo, hitso at nganga.